Hinangaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si North Korean Leader Kim Jong Un matapos ang makasaysayang pakikipagpulong nito kay South Korean President Moon Jae In.
Ayon sa Pangulo, maituturing na ngayong isang bayani ng lahat ng bansa si Kim dahil na rin sa ipinakita nitong pagpapakumbaba sa kabila ng aniya’y “bad boy” image nito.
“For all of the time he was pictured to be the bad boy of the community but with one master stroke he is now the hero of everybody, he appears to be amiable, jolly, good fellow and very accommodating, I hope he remains to be that way, nobody is really after him, the impact is really there is less stress now in the Korean Peninsula and maybe, just maybe we can avoid a war which nobody can win anyway.” Ani Pangulong Duterte
Magugunitang lumikha ng kasaysayan ang katatapos pa lang na Inter-Korean Summit nang tumapak sa kauna-unahang pagkakataon ang isang North Korean Leader sa lupain ng SoKor para makipag-usap tungkol sa kapayapaan at pagkakaisa.
Dahil dito, umaasa ang Pangulo na personal na rin niyang makikita at makakausap ang NoKor leader sa hinaharap.
“So I think that to me the man of the hour would be Kim Jong-Un and someday if I get to meet him, I will congratulate him, sabihin ko sa kanya, bilib ako sayo, marunong ka mag-timing, heroism is sometimes left to chance otherwise it’s purposely time, marunong siya, ituring niya na lang akong isang kaibigan.” Pahayag ni Pangulong Duterte
—-