Makakapag–Visita Iglesia na ang publiko sa ilang makasaysayang simbahan at chapel sa loob ng Intramuros Maynila sa Huwebes Santo, Marso 29.
Ayon sa Department of Tourism at pamunuan ng Intramuros, ito ang unang pagkakataon mula noong World War II na magiging posible ang Visita Iglesia sa Intramuros.
Kabilang dito ang dalawang tanyag na simbahan na Manila Cathedral at San Agustin Church.
Inanunsyo naman ng DOT na sarado ang kalsada mula Betrio hanggang Muralla sa loob ng Intramuros dahil sa isasagawang ‘via crusis stations’ mula Huwebes Santo o hanggang Sabado de Gloria o mula Marso 29-31.
—-