Sinimulan na ng Makati City Government ang konstruksyon ng apat pang emergency quarantine facilities kaugnay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Makati City Mayor Abigail Binay, itatayo ang mga naturang istruktura sa tulong ng ilang privatge sector donors.
Ang kada pasilidad aniya ay gawa sa kahoy at polyethene sheets at mayruong 15 kama, sanitation at disinfection areas, testing box at lounge para sa mga nurse.
Tatlo sa mga nasabing istruktura ay itatayo sa Pembo elementary school at isa sa parking area ng ospital ng Makati.
Tiniyak ni Binay na tuluy tuloy ang paggawa at pag isip nila ng mga paraan para sa kaligtasan ng kada residente nila.