Tiniyak ng lungsod ng Makati sa lahat ng mag-aaral sa 37 pampublikong paaralang pang-elementarya at high school maging mga magulang nito, na nakahanda na sila para sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 1.
Ayon sa Makati government muli nilang ipatutupad ang Project Free at Project Feed o Food for Excellent Education and Development.
Sa ilalim ng Project Free, lahat ng 61,274 na estudyante ay bibigyan ng libreng school supplies, reading materials, at uniforms.
Para naman sa Project Feed, ito ang kanilang supplementary feeding program kung saan nasasagot ang nutritional needs ng mga undernourished schoolchildren upang mapabuti ang kanilang academic performamce.
Samantala, P2.1 billion pesos ang inilaan para sa education sector ng lungsod ngayong darating na school year.
By Kevyn Reyes