Nagkaloob ang Makati City government ng P24M bilang financial assistance sa Davao del Sur at North Cotabato na malubhang tinamaan ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.
Ayon sa Makati City Mayor Abby Binay, layon ng syudad na matulungan ang mga biktima ng lindol para makabangon muli.
Bukod sa naturang halaga ay handa rin ang Makati na magkaloob ng school supplies at mag de-deploy din ng psycho – social team para magsagawa ng stress debriefing sa mga biktima.