Nagpalabas ng guidelines ang lokal na pamahalaan ng Makati City para sa lahat ng mga negosyo at establisyemento na magbubukas nang muli kasabay ng pagsasailalim sa general community quarantine (GCQ) ng Metro Manila simula sa Lunes.
Sa ipinalabas na abiso ni Makati City Mayor Abigail Binay, kinakailangang limitadong tao lamang ang maaaring papasukin ng mga negosyo at commercial establishments sa kanilang mga lugar.
Kabilang aniya rito ang mga may hawak na quarantine pass, food delivery, healthcare workers at iba pang frontliners.
Gayundin ang mga empleyadong kabilang sa skeletal workforce ng magbubukas na kumpanya basta’t magpapakita lamang ng identification cards.
Dagdag ni Binay, kanya na ring inatasan ang business perrmits and licensing office ng lungsod na magsagawa ng routine inspection para matiyak na nakasusunod ang mga business establishments sa mga inilatag na health protocols.