Sinimulan nang gamitin kahapon ang high tech contact tracing application ng Makati City para sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.
Ito ayon kay Makati City Mayor Abby Binay ay matapos silang magsagawa ng test run nuong isang araw kung saan naging maganda naman ang resulta.
Inilarawan ni Binay ang nasabing app bilang virtual nurse na aniya’y malaking tulong sa pagtukoy ng kalagayan ng mga positibo sa COVID-19 at kanilang mga nakasalamuha.
Sinabi ni Binay na malaking tulong ang contact tracing app para mapagaan ang trabaho ng surveillance unit ng dph at magkaruon ng epektibong monitoring at pagtugon sa kalagayan ng mga infected ng nasabing virus.