Umalma ang Makati City government sa findings ng UP OCTA Research team na kabilang ang lungsod sa mayroong mataas na kaso ng hawahan ng coronavirus.
Ayon kay Atty. Michael Don Camina, tagapagsalita ng Makati City government, nagulat sila sa pagkakasama ng OCTA team sa lungsod bilang areas of concern sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Taliwas ito aniya sa report ng Department of Health (DOH) na mababa ang attack rate ng Makati City o nasa 6.21 lamang at maituturing na low risk.
Nasa 561 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Makati City kung saan nasa 6,793 ang gumaling na at 284 ang nasawi.