Maglalagay ng solar panels ang lokal na pamahalaan ng Makati City sa mga pampublikong paaralan at local government offices nito.
Layon nitong mabawasan ang energy consumption at maisulong ang mas malinis at sustainable na komunidad.
Nais ni Makati City Mayor Abby Binay na maging ”Pioneer” ang siyudad sa paggamit ng renewable energy sa mga public schools at local government offices.
Ang paglalagay aniya ng solar panel ay gagawin kada batch kung saan, magiging pilot site nito ang Comembo Elementary School.
Makikinabang din dito ang nasa 25 elementary schools, 10 junior high schools at 8 senior high schools.
Una nang nagdeklara si Binay ng State of Climate Emergency sa lungsod at nangakong gagawa ng mga hakbang upang mabawasan ang greenhouse gas emissions sa financial center ng bansa.