Isinailalim na sa high alert status ni Makati City mayor Abigail Binay ang lahat ng tauhan na nasa ilalim ng health at rescue sa lungsod.
Ito’y kasunod ng dumaraming apektado ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) sa bansa.
Ayon kay Binay, maging sa mga tanggapan ng gobyerno sa lungsod ay nagpapatupad ng preventive measure upang maiwasan ang pagkalat ng nabanggit na sakit.
Gaya na lamang aniya ng paggamit ng infrared thermometers para ma-check o ma-scan ang mga empleyado o bisita na papasok sa city hall.
Kasabay nito, inatasan din ang lahat ng mga negosyante na magsumite ng lahat ng pangalan ng kanilang mga empleyado na galing kamakailan sa Mainland China, Hong Kong at Macau.