Tuluyan nang pinatalsik sa puwesto ng Office of the Ombudsman si suspended Makati City Mayor Junjun Binay.
Kaugnay sa overpriced umanong Makati Parking Building na nagkakahalaga ng P2.2 billion pesos.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, epektibo simula kahapon ang dismissal kay Binay dahil sa “grave misconduct and dishonesty.”
Dahil dito, pinagbawalan na rin ng Ombudsman si Binay na tumakbo para sa anumang halal na posisyon o magkaroon ng puwesto sa gobyerno at wala na rin itong matatanggap na retirement benefits.
Aapela
Samantala, aapela sa korte ang kampo ni Junjun Binay kaugnay ng pagkaka-dismiss dito ng tanggapan ng Ombudsman bilang alkalde ng Makati City.
Ayon kay Makati City Representative Abigail Binay, hindi nila basta matatanggap ang desisyon ng Ombudsman kaya’t posible aniyang magpasaklolo din sila sa Korte Suprema.
Binigyang diin ni Binay na bahagi naman ng karapatan ng sinuman na umapela sa korte.
Samantala, ipinabatid ni Binay na wala pa silang natatanggap na kopya ng kautusan ng Ombudsman na nagpapasibak sa kapatid nitong si Mayor Junjun.
By Drew Nacino | Jill Resontoc (Patrol 7) | Ralph Obina