Limitado lamang ang bakunang dumating sa mga lungsod ng Makati at Muntinlupa ngayong araw na ito.
Ayon sa Makati City Government wala munang pagbabakuna para sa first dose ng A4 category o economic frontliners dahil hindi nakapag-deliver ng COVID-19 vaccine ang national government.
Dahil dito pinabatid ng LGU Makati na sarado muna ang vaccination site sa Glorietta, Ayala Malls Circuit, Benigno Aquino National High School at Palanan Elementary School subalit tuloy naman ang mga naka-schedule para sa second dose sa Makati City Coliseum at fort Bonifacio Elementary School.
Kasabay nito makakatanggap ng P1,000 gift certificate ang lahat ng senior citizens sa Makati City na makakakumpleto ng dalawang doses ng bakuna.
Samantala bawal muna ngayong araw na ito ang walk-in sa mga vaccination site sa Muntinlupa City dahil kakaunti lamang ang supply ng bakuna para sa first dose.
Taliwas ito sa mga nakalipas na araw kung saan mabibigyan ng bakuna kung mayruong extra supply nito ang mga walk-in matapos hindi makarating ang mga naka-schedule.