Nananatiling pinakamayamang siyudad sa buong Pilipinas ang Lungsod ng Makati.
Ayon assessment ng Commission on Audit (COA), lumago ang asset ng lungsod sa higit P233-bilyon noong 2019.
Habang noong 2018, pumalo sa higit P230-bilyon ang naitala nitong yaman.
Ibig sabihin, sa lahat ng mga lungsod sa Pilipinas, tanging ang Lungsod ng Makati lang ang nakapagtala ng record na may lagpas sa P200-bilyong asset.
Kaugnay nito, ang pangalawang puwesto naman sa pinakamayang lungsod ay ang Quezon City na may total asset na higit P96-bilyon; pangatlo ang Maynila na may P45-bilyong yaman.
Sa mga probinsya sa bansa, nanguna ang Cebu bilang pinakamayamang at maunlad na probinsya na may P203-bilyon, sinundan ng Batangas, Rizal, Davao De Oro, at Bukidnon.