Nananatiling “richest city” sa Pilipinas ang Makati City.
Ito ay batay sa 208 Annual financial report ng Commission on Audit (COA).
Lumabas na may kabuuang P230B ang total assets ng Makati nuong 2018.
Mataas ito ng P34B mula sa naitala nuong 2017 na P196B.
Pumangalawa naman sa Makati ang Quezon City na may assets na P87B.
Sinundan naman ito ng Maynila na may P40B at Pasig City na may P38B.
Samantala sa parehas na report ng COA, itinanghal naman bilang ‘richest province’ sa bansa ang Cebu.
Umabot sa P35.B ang kabuuang assets ng Cebu.
Ito na ang ika-limang sunod na taon na nasungkit ng Cebu ang unang pwesto.
Sinundan naman ng Cebu ang Compostella Valley habang pangatlo ang Bukidnon.