Ibinasura ng Makati City Prosecutors Office ang kasong kriminal na isinampa ng Philippine National Police (PNP) laban sa 11 indibidwal kaugnay sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Ayon sa Office of the Prosecutor General, walang nakitang sapat na ebidensya ang mga prosecutor para tuluyan ang kaso ng rape with homicide ang mga respondents.
Kabilang sa mga respondents sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido, John Paul Halili, Gregorio Angelo Rafael De Guzman, Jezreel Rapinan, Alain Chen, Mark Anthony Rosales, Reymar Englis, Louie Delima, Jamyr Cunanan at Eduard Pangilinan III.
Ayon kay Atty. Mike Santiago, abogado ng lima sa mga respondents, natutuwa sila sa naging desisyon ng korte na patunay lamang na mayroong hustisya sa bansa.