Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Makati ang number coding scheme para sa nalalapit na Undas.
Batay sa inilabas na anunsyo ng Makati Public Safety Department, magsisimula ito ngayong araw hanggang sa Biyernes, Nobyembre 1.
Una na rito ay naglabas na rin ng listahan ang LGU ng road closures at traffic rerouting mula kaninang 12:00 ng madaling araw hanggang sa hatinggabi ng Sabado, nobyembre 2.
Matatandaang nag anunsyo na rin ng suspensyon ng number coding scheme ang Metropolotan Manila Development Authority (MMDA) para sa Undas.