Handa na muling umupo bilang acting mayor ng Makati City si Vice Mayor Romulo “Kid” Peña sa gitna ng ikalawang suspension order laban kay Mayor Junjun Binay.
Gayunman, nilinaw ni Peña kailangan pa niyang hintayin ang go signal ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon sa Bise Alkalde, hindi pa niya nakakausap ang kanyang ka-partido sa Liberal Party na si Interior Secretary Mar Roxas hinggil sa posibilidad na muling umupo bilang acting Mayor.
Magugunitang hindi tinanggap ni Binay ang ikalawang suspension ng Office of the Ombudsman at handa niyang suwayin ang naturang kautusan kaugnay sa overpriced umanong Makati Science High School building.
By Drew Nacino | Jopel Pelenio