Tiniyak ng Lokal na Pamahalaan ng Makati na lahat ng kanilang residente ay makakatanggap ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inihayag ni Makati City Mayor Abby Binay sa panayam ng DWIZ, aniya ang katananungan na lang dito ay kung sinu-sino ang mauunang makatatanggap nito.
Paliwanag ni Binay, ito’y dahil may sektor ang itinuturing na prayoridad na mabakunahan dahil sila’y mga ‘vulnerable’ o ‘yung mas mabilis dapuan ng COVID-19, gaya ng mga health workers, uniformed personnel, nakatatanda, at iba pang mga lantad sa virus.
Tiyak, ani Binay, na sapat ang kanilang kukuning bakuna para sa lahat ng mga residente ng lungsod o mga ‘Makatizens’.
Parang 100% po, kasi, parang ‘yung prinocure po namin na Astra (AstraZeneca) vaccine is already enough to cover 500,000 Makatizen,” ani Binay.
Sa ngayon, ani Binay, pinag-aaralan nila ang pagsali rin sa mga hindi botanteng mga residente ng lungsod, mga nagtatrabaho sa lungsod at iba pa.
I think we are currently studying na maging flexible po kami to accommodate pati po ‘yung hindi botante, hindi nagtatrabaho dito, ‘yung mga nagre-rent lang dito sa Makati, ‘yung mga nagnenegosyo sa Makati, mabibigyan po namin ng bakuna,” ani Binay. —sa panayam ng Serbisyong Lubos sa 882