Hindi muna pinapayagang lumabas ng kanilang bahay ang mga residenteng hindi bakunado sa Makati City maliban nalang kung may mahalagang bibilhin tulad ng pagkain, gamot at iba pang medical supplies.
Sa ilalim ng City Ordinance No. 2022-005, pagbabawalang makapasok ang mga unvaccinated individuals sa mga indoor at outdoor dining restaurants at iba pang establisimiyento ng mga kainan maging ang mga leisure o social trips patungo sa mga malls, hotels, events, at venues.
Bawal din ang pagbiyahe o pagsakay ng mga hindi bakunadong residente sa mga pampublikong transportasyon.
Hihingan naman ang mga onsite workers ng RT-PCR COVID-19 testing kada ikalawang linggo na sila mismo ang gagastos sa naturang test bago payagang makapasok sa trabaho.
Ang mga lalabag sa nasabing ordinansa sa unang pagkakataon ay pagmumultahin ng P3,000; P4,000 sa ikalawang paglabag habang P5,000 o pagkakakulong ng hindi lalampas sa anim na buwan.
Samantala, ipapatawag naman ang mga magulang ng mga menor de edad na mahuhuling lalabag sa unang pagkakataon at padadaluhin sa seminar; pagmumultahin naman ng halagang P4,000 multa at P5,000 naman o pagkakulong ng hindi lalampas ng anim na buwan sa ikalawang paglabag sa naturang ordinansa habang at pagkakulong naman ng hindi lalampas ng anim na buwan sa ikatlong paglabag.pero depende pa rin sa desisyon ng korte.—sa panulat ni Angelica Doctolero