Nagkasa ng kilos protesta ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa punong tanggapan ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City kahapon.
Ito’y sa kabila ng umiiral na general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila bunsod na rin ng nananatiling banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sigaw ng grupo, makatotohanang pagtugon ng kagawaran sa mga suliraning kinahaharap ng mga guro at mag-aaral sa ilalim ng bagong normal kung saan, bawal ang face-to-face classes.
Nais ding makausap ng grupo ang mga opisyal ng kagawaran sa pangunguna ni Education Secretary Leonor Briones subalit hindi ito matuloy-tuloy.
Giit ng grupo, hindi kakayanin ng halos lahat ng mga mag-aaral ang kawalan ng sapat na kagamitan tulad ng computer sets at laptops para makasabay sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24.