Makatutulong ang pagpapaigting ng depensa ng sandatahan sa pagtatanggol ng teritoryo ng Pilipinas.
Ito binigyang diin ng bagong talaga na pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Lt. Gen. Jose Faustino Jr. sa kanyang mensahe kasabay ng panunumpa nitong bilang bagong AFP chief of staff.
Sinabi ni Faustino na sa pamamagitan ng pagpapalakas ng sandatahan ay maipapakita natin sa ibang bansa na kaya natin maging siang independent mula sa foreign control.
A-trenta’y uno (31) ng Hulyo nang ganapin ang Change of Command at Retirement Ceremony ng kanyang pinalitan na si Gen. Cirilito Sobejana.