Ikinasa ng Department of Education ang kinakailangang adjustments sa anito’y learning delivery dahil sa suspensyon ng klase.
Para maabot ang learning competencies, ipinabatid ng DepEd na dapat magpatupad ng make-up classes, modular distance learning, performance tasks at projects.
Sinabi pa ng DepEd na dapat ding ikunsidera ang attendance at completion ng learning tasks ng mga estudyante dahil sa suspensyon ng klase dulot ng bagyo at iba pang-kalamidad.
Mayruon naman anitong responsibilidad ang mga magulang para tutukan ang mga anak nila na makatapos sa mga itinakdang proyekto.
Kasabay nito, sakaling walang anunsyo ng suspensyon ng klase sa isang lugar, inihayag ng DepEd na bahala na ang magulang o guardian kung papasukin ang estudyante batay na rin sa physical at mental health nito.