Inatasan ng Department of Education o DepEd ang lahat ng mga paaralan sa Metro Manila na magsagawa ng make up classes.
Ito’y para makahabol sa mga paksang aralin matapos ang apat na raw na suspensyon ng klase dahil sa APEC Summit.
Ayon kay DepEd Sec. Bro. Armin Luistro, bahala na ang mga school superintendents kung kailan nila itatakda ang mga make up classes.
Kinakailangan lamang aniyang makumpleto ang 201 araw ng klase na nakapaloob sa academic year 2015- 2016.
By Jaymark Dagala