Pagbabayaran na ng mga mag-aaral sa Metro Manila ang mga nalagas na araw sa kanilang school year bunsod ng bagyo at mga aktibidad kaalinsabay ng ASEAN Summit.
Ayon kay DEPED o Department of Education Usec. Tony Umali, kailangang isagawa ang mga make up classes para makumpleto ng mga paaralan ang inilaang 195 araw ng pasok para sa school year 2017 – 2018.
Gayunman, sinabi ni Umali na ipinauubaya na nila sa mga administrador ng mga paaralan kung paano nila ipatutupad ang nasabing make up classes na gagawin tuwing araw ng Sabado.
Habang posible rin aniyang pahabain na lamang ang oras ng klase sa mga paaralan na nagpapatupad ng shifting para makahabol sa kanilang school calendar.
SMW: RPE