Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang Cotabato ngayon, Nobyembre 15.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang magnitude 4 na lindol kaninang alas-4:34 ng hapon, 12-kilometro timog silangan ng Makilala.
Tinukoy na tectonic ang origin nito at may lalim na 12 kilometro.
Habang intensity 5 na lindol naman ang yumanig sa Kidapawan City.
Kapwa naman walang naitalang napinsala at wala ring inaasahang aftershock matapos ang dalawang lindol.
JUST IN: Makilala, Cotabato niyanig ng magnitude 4 na lindol, alas-4:34 ng hapon ngayong Biyernes. Habang Intensity 5 naramdaman sa Kidapawan City | via @phivolcs_dost pic.twitter.com/4DOQ6Rh9Qe
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 15, 2019