Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na handa na ang mga makinang gagamitin sa paggawa ng mga plaka para sa mga motorista.
Ayon kay Transport Secretary Art Tugade inaasahan na mas mapadadali ang distribusyon ng plaka ng mga motorista dahil handa na ang nasabing makina.
Nabatid na ito ang ikalawang makina na binili ng Land Transportation Office para sa paggawa ng mga plaka.
Samantala malaking tulong umano ang makinang ito dahil may kakayahan itong gumawa 450 na plaka ng mga motor sa loob lamang ng isang oras o 3, 600 na plaka kada walong oras at magtutuloy-tuloy na rin ang pag rerelease ng mga ito. —sa panulat ni Mara Valle