Inirekomenda ni Senate Committee on Public Services Chairman Grace Poe na ilaan para sa mga mass transport project ang makokolektang revenue sa ipapataw na excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng tax reform bill.
Ito, ayon kay Poe, ay upang magkaroon ng sapat na public transportation sa harap ng lumalaking populasyon at makapagbigay ng ginhawa sa mga commuter na araw-araw gumagamit ng mga public transport system.
Kung may mapagkukunan naman anya ng pondo para sa mga mass transport project ay ito na lamang gamitin sa halip na umutang pa.
Hiniling na ni Poe kay Senate Ways and Means Committee Chairman Sonny Angara na ikunsidera ang kanyang panukala.
Sa ilalim ng Senate Bill 1592 o Tax Reform For Acceleration and Inclusion o TRAIN na sisikaping maipasa sa Senado bago matapos ang Nobyembre, may probisyon hinggil sa earmarking’s o paglalaanan ng makokolektang buwis sa ilalim ng tax reform bill.