Patuloy paring mararanasan ang makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Bicol Region, Mimaropa, Calabarzon, at Metro Manila.
Ayon kay Pagasa weather specialist Raymond Ordinario, asahan parin ang maaliwalas na panahon sa nalalabing bahagi ng Luzon dahil parin sa isolated rain showers o thunder storm.
Makakaranas parin ng makulimlim na panahon na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Visayas at Zamboanga Peninsula.
Samantala, magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng Mindanao maliban na lamang sa mga isolated rain showers sa hapon o gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26 hanggang 30 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:32 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:29 ng hapon.