Patuloy paring makakaranas ng makulimlim na panahon ang buong bahagi ng Luzon partikular na ang Metro Manila dahil parin sa Low Pressure Area (LPA) at Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, magkakaroon ng light to moderate rain showers sa bahagi ng Luzon lalo na sa hapon hanggang sa gabi.
Dahil parin sa Hanging Habagat, asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Western Visayas.
Samantala, magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing bahagi pa ng Visayas at sa buong bahagi ng Mindanao pero mataas ang posibilidad na magkaroon ng pulu-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat lalo na sa hapon hanggang sa gabi bunsod ng localized thunderstorm.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26°C hanggang 31°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:34 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:29 ng hapon.