Dismayado ang lider ng minorya sa kamara sa mabagal na pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).
Ito ay ayon kay House Minority Leader Joseph Stephen Paduano, na bakit kailangang maulit pa ang pagkaantala at magulong distribusyon ng ayuda gayung naranasan na ito nuong nakaraang taon.
Dagdag ni Paduano, hindi na natuto ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang ilang Local Government Units (LGU).
Sinabi rin ni Paduano, na dapat mas pinaghandaan at gumawa ng epektibong sistema ang DSWD o LGUs sa pamamahagi ng ayuda.
Aniya, marami na ang nagrereklamo sa gutom dahil sa pahirapan ang pagkuha ng ayuda .
Buko dito, inihayag pa ng kongresista na hindi dapat maging problema ang paglalagay ng grievance committee ng DSWD sa pagtugon ng reklamo ng mga beneficiaries sa kanilang kapalpakan.— sa panulat ni Rashid Locsin