Huwag taniman ng iligal na droga ang mga durog sa ipinagbabawal na gamot kapag nahuhuli sa mga operasyon at walang nakukuhang ebidensya.
Ito ang mahigpit na tagubilin ni PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa sa mga pulis kasabay ng ika-116 na anibersaryo ng Police Service sa Regional Office 7 sa Cebu.
Ayon kay Dela Rosa, batid niya kung gaano kapursigido ang pulisya na tuldukan ang problema ng bansa sa iligal na droga ngunit hindi aniya natutulog ang Diyos at binabantayan ang kanilang bawat galaw.
Kasunod nito, ipinag-utos na rin ni Dela Rosa sa mga pulis na itigil na ang aniya’y mala-animal na istilo sa paglaban sa mga durugista dahil hindi sa paniniwalang hindi ito ang tamang paraan para masolusyunan ang problema.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal
SMW: RPE