Aabot sa mahigit 10 libong mga pre-registered na batang may edad 5 hanggang 11 ang target mabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod ng Taguig.
Isinagawa ang bakunahan sa SMX Convention Center sa SM Aura gayundin sa Lakeshore vaccination hub mula ika-7 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon simula Lunes.
Ayon sa lokal na Pamahalaan ng Taguig, ang mga batang sasalang sa pagbabakuna ay nakarehistro na sa TRACE o Taguig Registry for Access Engagement na sasamahan ng kanilang magulang o guardian.
Hinimok naman ng Pamalahalaang Lokal ang mga magulang sa Taguig na pabakunahan na ang kanilang mga anak upang mabigyan ng proteksyon kontra sa virus.