Balik sa panahon ng pagpapatupad ng mga protocol sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang Archdioscese of Manila.
Ito ay bilang pakikibahagi at pakikinig nila sa panawagan ng mga medical frontliners na magkaroon ng “time-out”.
Batay sa ipinalabas na pastoral instruction ni Bishop Broderick Pabillo, apostolic administrator ng Archdiocese of Manila, wala silang isasagawang public activities sa loob ng dalawang linggo.
Sa halip aniya ay ipagpapatuloy na lamang ang mga naturang aktibidad online mula Agosto 3 hanggang Agosto 14.
Dagdag ni Pabillo, gagamitin din nila ang nabanggit na panahon para isalan sa evaluation o pagtatasa ang ginagawang pagtugon ng simbahan laban sa COVID-19 pandemic at mas mapagbuti ito.