Inaasahang mala-La Niña condition ang mararanasan hanggang sa buwan ng Marso, dahil sa madalas na pag-uulan sa bansa.
Gayunman, paglilinaw ni Anna Solis, Head ng climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA, hindi pa maituturing na La Niña ang mga nararanasang mga pag-ulan.
Dahil hindi pa aniya naabot ang threshold o pamantayan para masabing ganap na la nina na ang umiiral sa panahon.
Subalit matatawag itong La Nina like dahil mala-La Niña aniya ang nararanasan ngayon sa gitna ng mas mataas na posibilidad ng maraming pag ulan.
Samantala, ayon pa sa PAGASA, asahan pa ang mas maraming bagyong papasok sa bansa sa unang quarter ng 2025. – Sa panulat ni Jeraline Doinog