Binatikos ni United Nations High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein ang Bangladesh dahil sa anito’y pagtulad sa Pilipinas sa paglaban sa iligal na droga.
Ito’y makaraang mapaulat sa Bangladesh ang pagpatay sa mahigit 100 hinihinalang drug dealers na itinuturing na kaso ng extrajudicial killings.
Dahil dito, labis na ikinabahala ni Al Hussein ang tila pagsunod ng Bangladesh sa Pilipinas hinggil sa pagpapawalang halaga sa buhay at walang habas na pagpatay sa mga hinihinala pa lamang na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Nakababahala aniya ang nangyayari ngayon sa Bangladesh dahil sa pahayag ng gobyerno ruon na walang inosenteng napatay sa kanilang bansa na itinuturing naman ng UN Human Rights Chief na delikado at nagwawalang bahala sa rule of law.
—-