Ramdam na umano ang tila mala-paskong trapiko sa EDSA.
Ito, ayon sa MMDA, ay bagamat sa susunod na buwan pa ang simula nang tinaguriang ‘ber’ months.
Sinabi ng MMDA na ngayong buwan pa lamang ay umiiral na ang level ng trapiko na nararanasan kapag Christmas holiday kung saan mas mataas ng 601% ang volume ng trapiko sa EDSA kumpara sa kapasidad ng mga sasakyan araw-araw.
Mas marami rin ang halos 400,000 sasakyan nabuma biyahe sa EDSA kada araw gayung ang kaya lamang nito ay nasa mahigit 50,000.
Pinakamarami ang mga kotse na buma-biyahe sa EDSA na nasa 66% habang 22% ay mga motorsiklo at halos 4% ay mga bus.
Sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago na dahil sa mga nasabing dahilan ay pang Disyembre o Christmas level na ang matinding trapiko sa EDSA gayung nasa Agosto pa lamang.
Asahan na rin aniya na lalo pang bibigat ang daloy ng trapiko sa nasabing pangunahing lansangan simula sa Setyembre.