May mga nakasingit pa ring lump sum funds na tila isang uri ng pork barrel sa kasalukuyang pambansang budget na nagkakahalaga ng P424 na bilyong piso.
Ito ang isinawalat ni dating Senador Panfilo Lacson sa kaniyang talumpati sa harap ng mga certified Public Accountants o CPA kahapon.
Sinabi pa ni Lacson, posible pang tumaas ang mga matatagpuan nilang lump sum allocations o discretionary funds na posibleng pagmulan ng korapsyon.
Dagdag pa ni Lacson, 11 sa 21 major line agencies ng national government ang pinaglaanan ng nasabing pondo na dapat bantayan.
By Jaymark Dagala