Duda ang abugado ng SAF 44 na baka pakana lamang ng Ombudsman ang pagsasampa ng “malabnaw” na kaso laban kay dating Pangulong Benigno “ Noynoy” Aquino III para iligtas ito sa kasong murder.
Sinabi sa DWIZ ni Atty. Ferdinand Topacio, abugado ng pamilya ng SAF 44 na taktika lamang ito ni Ombudsman Conchita Carpio Morales para hindi na masampahan ng mas mabigat na kaso si Aquino.
Posibleng moro moro lang ito aniya at mahinang kaso para kapag na-dismiss ay hindi na maaari pang kasuhan ni Pnoy dahil sa prinsipyo ng double jeopardy.
Pero sa kabila nito, sinabi ni Topacio na magsasampa sila ng Motion for Reconsideration hanggang Miyerkules para tutulan ang mahinang kasong isinampa dahil para sa pamilya ng SAF 44, dapat panagutan ni Aquino ang pagkamatay ng 44 na SAF Commando.
By: Aileen Taliping
Malabnaw na kaso laban kay dating Pangulong Noynoy maaring umanong taktika lamang was last modified: July 16th, 2017 by DWIZ 882