Patuloy na umaapela ng tulong ang Malabon Zoo para sa kanilang mga alagang hayop.
Ayon kay Manny Tangco, may-ari ng Malabon Zoo, marami na ang tumugon sa ipinaskil nilang panawagan sa labas ng zoo subalit patuloy anya silang nangangailangan dahil wala pang katiyakan kung kailan sila papayagang magbukas.
Lubos ang pasasalamat ni Tangco sa mga walang sawang sumusuporta at nagpapaabot ng kanilang tulong sa Malabon Zoo.
Kunwari po dito sa donation drive namin, somehow, nami-meet ‘yung [needs], slowly but surely, madalas kulang, pero, tapos meron. It’s like a miracle. It happens to me na, ‘kulang, kulang’, pero biglang may darating,” ani Tangco.
Matatagpuan sa Malabon Zoo si ‘Lion Digong’ at si ‘Tiger Digong’.
Ayon kay Tangco, isinunod nila sa pangalan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang ‘Lion King’ dahil pareho sila ng karakter ng pangulo, samantalang ang tiger naman anya ay para sa ating tiger economy na target ng pangulo.
Ang Malabon Zoo anya ay hindi isang simpleng pasyalan lamang para makita ang mga hayop.
Nagbibigay rin anya sila ng konting lecture sa mga batang namamasyal kung paano magmahal ng ating kalikasan kung saan nabubuhay ang mga hayop na nakikita nila sa zoo.
Sinasabi namin sa mga bata, through lectures din po, ‘mga bata, ‘yan ang Royal Bengal Tiger from India. There used to be a hundred thousand Royal Bengal Tigers in the wild of India before, but after man cut down the trees and burned the forest, they died (…), mga basta gusto niyo pa bang mabuhay ang mga tigre sa mundo?’, ‘Opo, Tito Manny!’. Ano ang gagawin natin mga bata? Plant a tree today, sinasabi namin. Reduce, reuse, recycle,” ani Tangco. —sa panayam ng Ratsada Balita