Aminado si Senate Committee on Agriculture and Food Chairman at Sen. Cynthia Villar na malabo nang maabot ng Pilipinas ang target nito na maging ‘rice self sufficient’.
Ito’y ayon kay Villar dahil sa hindi naman kaya ng mga lokal na magsasaka na punuan ang malaking demand ng bigas nang hindi umaangkat sa ibang bansa.
Inihayag sa DWIZ ni Villar na ito ang dahilan kaya nila pinursigeng isabatas ang Rice Tarrification Law na ang layunin ay tulungan ang mga magsasaka na maka-ahon sa labis na pagkalugi bunsod ng kaunti nilang produksyon.