Agad kumambyo ang Malacañang sa panibagong banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa European Union o EU.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang seven-member delegation ng international delegates ng Progressive Alliance at hindi ang EU ang pinalalayas ni Pangulong Duterte sa bansa.
Aminado naman aniya ang nasabing grupo na hindi sila bahagi ng E.U. taliwas sa mga naunang balita.
Samantala, itinanggi rin ng European Union na bahagi ng kanilang organisasyon ang Progressive Alliance na bumisita kamakailan upang ipanawagan ang pagpapatigil sa mga drug-related killing sa Pilipinas.
—-