Inatasan na ng Supreme Court ang Malacañang, Kongreso at Commission on Audit na magpaliwanag kaugnay sa petisyon ng Philippine Constitution Association o PHILCONSA.
Hinihiling ng PHILCONSA na pigilan ang implementasyon ng lump sum provision gayundin ang discretionary funds sa 2015 national budget.
Sampung (10) araw lamang ang ibinigay ng SC upang makapaghain ng komento ang Palasyo, Kongreso at COA.
Wala ring inilabas na Temporary Restraining Order ang Korte Suprema kaugnay sa hiling ng PHILCONSA upang hadlangan ang pagpapalabas ng mga nasabing pondo.
By Drew Nacino | Bert Mozo (Patrol 3)