Nagpasalamat ang Malacañand sa buong suporta ng mga Pilipino kay Senador Manny Pacquiao.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na muli na namang pinag isa ni Pacman ang mga Pilipino at nagdala ng panibagong saya nang magwagi at maagaw ang WBO World Welterweight title mula kay Jessie Vargas.
Binigyang diin pa ni Pacman na ang disiplina, determination at hard work ni Pacman ay nagturing sa kaniyang national treasure sa global sports.
Samantala inihayag ni Andanar na hindi man nanalo si Nonito Donaire patuloy pa ring kinikilala ng sambayanan ang naging kontribusyon nito para ipakilala sa mundo ang galing ng mga Pilipinong boksingero.
Nananatili pa rin aniyang the Filipino Flash si Donaire dahil sa mabilis na galaw ng mga kamay nito at kakaibang punching power.
By: Judith Larino / Aileen Taliping