Mas makabubuting tutukan na lamang ang napakaraming problema na kinahaharap ngayon ng Amerika kaysa sa batikusin ang Pilipinas.
Ito ang buwelta ng Malakaniyang sa inilabas na dokumentaryo ng pahayagang the New York Times na tumutuligsa sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kataka-taka aniyang mas pinagtutuunan ng pansin ng nasabing pahayagan ang mga panloob na usapin ng Pilipinas sa halip na ang mga problemang dapat harapin ng kanilang bansa.
Una nang itinuring ni Abella na bahagi ng destabilisasyon laban sa administrasyon ang mga inilabas na ulat ng New York Times na pinondohan ng mga kritiko ng Pangulo.
By: Jaymark Dagala