Malacañang ang dapat managot sa tinaguriang tokhang for ransom.
Binigyang diin ito ni Akbayan Party List Representative Tom Villarin matapos masangkot ang ilang pulis sa nasabing katiwalian kasunod nang pagkakadukot at pagkakapatay sa Korean executive na si Jee Ick Joo.
Ayon kay Villarin malinaw na inaabuso ng mga pulis ang kaniyang kapangyarihan dahil na rin sa blanket authority na ibinigay ng Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.
Sinabi ni Villarin na hindi malayong maging fall guy si PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa kapag lumawig pa ang nasabing kontrobersya.
By: Judith Larino