Deadma ang Malakaniyang sa mga hindi sumasang ayon sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque hindi niya maintindihan kung bakit maga taga Luzon ang umaalma kaugnay sa pagpapatuloy ng Martial Law gayung hindi naman sila ang apektado ng banta ng terorismo at karahasan.
Pinawi rin ni Roque ang pangamba ng publiko sa pagtitiyak nitong iba ang Martial Law noong panahon ng rehimeng Marcos at sa kasalukuyan.
Tiniyak ni Roque na malaya ang Filipino at walang masisikil na karapatan habang umiiral ang batas militar.
Kasabay nito, binigyang kilala ng Palasyo ang ibinigay na suporta ng Kongreso sa kahilingan ng Pangulo na umano’y malinaw na indikasyon ng pagkakaisa sa paglaban sa masasamang pwersa sa lipunan.