Hindi natinag ang Malacañang sa pagkontra ni dating Pangulong Fidel Ramos sa paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Binigyang-diin ni Presidential Communications Assistant Secretary Anna Marie Banaag na nirerespeto nila ang pananaw ni FVR, subalit malinaw ang posisyon dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagdesisyon na aniya ang Korte Suprema batay sa legalidad ng usapin, maging sa aspeto ng martial law at human rights violations.
Sinabi pa ni Banaag na mismong si Pangulong Duterte ang naghayag na malinaw kung ano ang nakasaad sa konstitusyon para sa Libingan ng mga Bayani na nakasunod naman sa pamantayan bilang dating Pangulo at dating sundalo.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping