Dumistansiya ang Malacañang sa isyu sa transparency server na may kinalaman sa usapin ng kinukwestiyong hash code.
Sinabi ni presidential communications Secretary Sonny Coloma na nagpaliwanag na ang Smartmatic at COMELEC ukol dito sabay giit hindi dapat iugnay ang ehekutibo dahil wala namang partisipasyon ang Malacañang sa electoral process.
Binigyang-diin ni Coloma na ang buong automated election system ay nasa pangangasiwa ng COMELEC kaya’t hindi angkop na sa palasyo magtanong hinggil sa isyu lalo na sa aspeto ng digital technology o ng automated election system.
Kaugnay sa dudang ito ang posibleng naging susi ng umano’y dayaan, sinabi ni Coloma na mayroong mga citizen watchdog group na nakaiintindi sa teknikalidad ng kinukwestiyong hash code at hindi naman tumitigil ang komisyon sa pagpapaliwanag hinggil sa naging aksyon noong nakalipas na araw.
By: MeAnn Tanbio