Dumistansiya ang Malacañang sa plano ni presumptive President Rodrigo Duterte na ibalik ang death penalty.
Kasunod ito ng pahayag ni Duterte na parusang kamatayan ang katapat ng mga kriminal na pumapatay maging ito man ay may kasong droga, kidnapping with ransom and murder, at rape with murder.
Sinabi ni presidential communications secretary Sonny Coloma na mangangailangan ng pag-amiyenda ng kongreso ang muling pagbuhay sa parusang kamatayan.
Idinagdag pa ni Coloma na kung ito ang nais ng bagong administrasyon, may pagkakataon silang ipaliwanag sa publiko ang kanilang mga ipapatupad na polisiya sa bansa.
Matatandaang inalis ang parusang bitay noong panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa pagiging pro-life nito at bunsod na rin sa kahilingan ng mga opisyal ng simbahan partikular ang Vatican.
By: MeAnn Tanbio