Dumistansiya ang Malacañang sa inilabas na arrest order ng Sandiganbayan laban kay Moro National Liberation Front o MNLF Founding Chairman Nur Misuari.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi manghimasok ang Palasyo sa isyu ng pagpapaaresto ng anti-graft court kay Misuari.
Mas mabuting hayaan na lamang anya si Misuari na kumilos at magpasya kung paano haharapin ang kautusan laban sa kanya kaugnay sa kasong katiwalian at malversation.
Nag-ugat ito sa maanomalya umanong pagbili ng educational materials noong gobernador pa si Misuari ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM noong taong 2000 hanggang 2001.
Hindi naman masabi ni Abella kung ano ang magiging epekto ng pagpapa-aresto ng Sandiganbayan sa MNLF Founder sa isinusulong na peace talks ng Duterte administration sa kanyang grupo.
By Drew Nacino / (Ulat ni Aileen Taliping)
SMW: RPE